Hinatulan ng korte sa China ng 13 at kalahating taon na pagkakabilanggo ang kanilang dating Interpol Chief dahil sa bribery.
Si Meng Hongwei na unang Chinese head ng Interpol ay hindi na nagpakita pabalik ng magtungo ito sa France noong Setyembre 2018.
Matapos ang ilang buwan ay kinumpirma ng China na ikinulong nila ito bilang bahagi ng kampanya ni Chinese President Xi Jinping laban sa kurapsyon.
Inamin din ni Meng na tumanggap ito ng $2 million bilang suhol.
Inatasan rin ng Tianjin No. 1 Intermediate People’s Court ang 56-anyos na si Meng na magbayad ng $289,540.
Dahil sa pangyayari ay otomatikong tinanggali na ito sa kaniyang puwesto.
Nasa France ngayon ang asawa ni Meng sa ilalim ng political asylum at naniniwala ito na ang kaso laban sa kaniya ay isang uri ng pamumulitika.