-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus ang dating Italian Prime Minister Silvio Berlusconi.
Ayon sa staff nito, nasa isolation na sa kaniyang bahay sa Arcore, Milan ang 83-anyos na si Berlusconi.
Gayunman, patuloy aniya itong magtatrabaho habang nasa isolation.
Naging prime minister ito noong 1994-1995, 2001-2006 at 2008-2011.
Itinuturing siyang pinakamatagal na naging prime minister ng nasabing bansa.