-- Advertisements --
secretary mayor shooting cotabato 2 1

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang opisyal ng local government unit ng Cotabato City sa pamamaril ngayong Lunes ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Anecito ”Boy” Rasalan, dating newscaster sa isang radio station at secretary ni Cotabato City Mayor Atty Cynthia Guiani Sayadi.

Batay sa ulat ng PNP, habang kumakain ang biktima sa loob ng Sehua Eatery sa Notre Dame Avenue, Brgy. Rosary Heights 2, Cotabato City ay bigla itong nilapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril gamit ang .45-caliber na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar ng siyudad.

Agad dinala ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit binawian rin ito ng buhay nang magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Nabatid na noong mga nakalipas na taon ay tinambangan din si Rasalan, ngunit nagtamo lamang ito ng sugat sa katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril patay sa biktima.