Naniniwala si dating Justice Secretary Alberto Agra na panahon na upang amiyendahan ang partylist system ng bansa.
Ayon kay Agra, mistulang nagiging free-for-all na ang naturang sistema kung saan kahit sino ay maaaring maging kinatawan ng mga Partylist group/organization.
Aniya, panahon na rin para amiyendahan o baguhin ang Partylist Act, ang batas ukol sa Partylist representation.
Maaari aniyang higpitan na rin ito kung sakaling baguhin, tulad ng kung gaano ito kahigpit noong unang panahon kung saan tanging ang mga marginalized sector lamang ang maaaring kumatawan sa mga ito.
Gayunpaman, sinabi ng dating kalihim na tanging ang mga mambabatas lamang ang makakapag-desisyon dito.
Batay sa rekord ng Commission on Elections, umabot sa 190 Partylist organizations ang naghain ng kanilang Certificate of Nomination – Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CANs) nitong nakalipas na filing period.