-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pamamaril-patay sa isang dating barangay kagawad sa bahagi ng Brgy. Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat.

Kinilala ang naturang biktima na si Binhan Calido, may asawa at residente ng Brgy. San Jose ng naturang bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sinundan umano ng mga suspek ang biktima sa pagpasok nito sa isang videoke bar at matapos ang ilang minuto ay binaril nila si Calido ng ilang beses.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaril sa biktima at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Nabatid na isang drug surenderee sa ilalim ng Oplan Tokhang ng Duterte administration si Calido.