-- Advertisements --
![King Juan Carlos I](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2019/08/King-Juan-Carlos-I.jpg)
Nakatakdang magpa-opera sa puso si king Juan Carlos I ng Spain.
Ayon sa tagapagsalita ng royal palace, inirekomenda ito ng mga doctors ng ito ay magpa-annual check up noong Hunyo.
Nilinaw naman nila na hindi malubha ang nasabing sakit ng 81-anyos na hari.
Isasagawa ang nasabing operasyon sa isang pribadong pagamutan sa Madrid.
Magugunitang noong Hunyo ay nagretiro na ito sa pagiging hari.