-- Advertisements --

Nakatakdang umalis na sa bansa ang dating hari ng Spain na si Juan Carlos.

Ito mismo ang kinumpirma ng royal palace matapos na masangkot umano sa kurapsyon ang 82-anyos na dating opisyal.

Inanunsiyo ito ng anak ni Carlos sa pamamagitan ng sulat na ibinagay sa anak na si Felipe.

Handa umano itong humarap sa prosecution sakaling kailangan nila ang kaniyang testimonya.

Hindi naman binanggit kung kailan ito aalis at saan ito magtutungo.

Magugunitang noong Hunyo ay binuksan ang imbestgasyon sa kinasasangkutan nito sa kontrata ng high-speed rail sa Saudi Arabia.