Nasa proseso na ng pagdedesisyon at konsultasyon si dating Labor Undersecretary Susan “Toots” Ople kung tatanggapin nito ang alok ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos na pamunuan ang Department of Migrant Workers.
Ito ay kasunod na rin ng pagkumpirma ni Ople na isanmg advocate of overseas Filipino workers (OFW) na inalok siya ng posisyon sa ilalim ng papasok na Marcos administration.
Sinabi din nito an humbled at nagpapasalamt ito sa alok ni presumptive president Marcos na pamunuan anf bagong departamento para alagaan ang mga OFWs at lumikha ng mga programa para sa kanilang pamilya lalo na ang mga anak ng migrant workers.
Sa ngayon, tanging sina presumptive vice president Sara Duterte na inalok na pamunuan ang Department of Education at dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos bilang kalihim ng DILG ang kumpirmadong tumanggap pa lamang ng posisyon sa Gabinete ng papasok na administrasyon.