-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating lider ng Vietnam na si Nguyen Phu Trong sa edad na 80.
Ayon sa kampo nito na hindi na nito nakayanan ang matagal ng iniindang sakit.
Nangyari ang anunsiyo ilang araw ng sinabi niyang magbibitiw na siya sa puwesto para tutukan ang kalusugan at ipapasakamay ang mga tungkulin kay President To Lam.
Mula pa noong 2011 ay naging general secretary ng ruling Communist Party ng Vietnam si Trong.
Sa nasabing panahon ay pansamantalang naging pangulo ito mula 2018 hanggang 2021.
Kilala siya bilang may matinding kampanya laban sa anumang uri ng kurapsyon.