-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa bilang bagong hepe ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) si dating Land Transportation Office (LTO) chief Teofilo Guadiz III.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS) na pinirmahan na ni Guadiz ang kaniyang appointment noong Disyembre 9.

Nanumpa na rin ito sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Magugunitang pinalitan si Guadiz sa LTO ni Jay Art Tugade ang bunsong anak ni dating Transportation Secretary Art Tugade.

Ilang buwan na ring walang chairperson ang LTFRB dahil sa itinalaga bilang officer-in-charge ng OPS ang chairperson nito na si Atty. Cheloy Garafil.