-- Advertisements --
JUNJUN BINAY 3

Pinagtibay ngayon ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Office of the Ombudsman na idiskwalipika na makaupo sa ano mang posisyon sa gobyerno si dating Makati Mayor Junjun Binay.

Ito ay kaugnay sa maanomalyang P1.3 billion school building project noong 2007.

Sa CA ruling, nakasaad na “perpetually disqualified” na si Binay sa paghawak ng ano mang public office.

Ang consolidated decision ay may petsang May 28, 219 at isinulat ni Associate Justice Ronaldo Roberto Martin.

Nag-ugat ang kaso ni Binay maanomalyang pagpapatayo ng Phase 4 ng Makati Science High School (MSHS) project.

Una rito, sinabi ng Office of the Ombudsman na kuwestiyonable ang pinalabas na “invitations to bid” dahil pabor naman sa contractor na Hilmarc’s Construction Corporation (HCC) ang bidding.

Ayon pa sa Ombusdman, nakipagsabwatan si Binay sa iba pang city para manipulahin ang procurement para sa 10-story MSHS building.

Ang iba namang administrative cases mula sa tatlong iba pang phases ng kontruksiyon ay na-dismiss, base sa condonation doctrine.

Samantala, ang petitioner na si Eleno Mendoza ay “administratively liable” para lamang sa simple misconduct na may parusang anim na buwang suspensiyon nang walang makukuhang suweldo.