-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng 12 taon si dating Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Kasunod ito ng pagbasura ng korte suprema ng Malaysia sa apila nito sa kasong kurapsyon.

Noong Hulyo 2020 kasi ay nadiin ito dahil sa pagkakasangkot sa 1 Malaysia Development Berhad (1MDB).

Hindi rin tinanggap ng korte ang hiling nito na iantala ng kaniyang sentensiya.

Napatunayan ng korte noong 2020 na guility si Najib sa seven counts kung saan idinieposito umano nito sa sariling account ang aabot sa $9.4 milyon na pondo ng state owned fund.