-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating matinee idol at San Juan City Rep. Jose Mari Gonzales dahil sa pneumonia at cardiac arrest sa edad 76.
Kinumpirma mismo ito ng kaniyang anak na si Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez sa pamamagitan ng kaniyang Facebook account.
Mananatili sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig City mula Miyerkules hanggang Biyernes ang labi ng dating artista.
Ipinanganak noong Hunyo 15, 1942 sa Tacloban City at pumasok sa pelikula sa edad 17 noong 1950.
Ilan sa mga pelikula kung saan ito lumabas ay ang “Ulilang Anghel” noong 1958, “Tawag Ng Tanghalan” noong 1958 at “Mga Anghel Sa Lansangan” noong 1959 at maraming iba pa.