Pinasuspinde at pinagmumulta ang isang dating mayor at anim pang mga lokal na opisyal ng Hinabangan, Western Samar matapos na patawan ng guilty sa mga kasong kinakaharap sa Office of the Ombudsman.
Kinilala ang mga akusado na sina dating Mayor Alejandro Abarratigue, Esmeralda Frincillo (Municipal Accountant), Lesarbo Mengote (Municipal Planning and Development Coordinator), Raul Tapia (Municipal Treasurer), Renato Abayare (Municipal Assessor), Roel Pazon (Nurse) at Alan Babon (BAC Secretariat) na pawang liable sa umano’y irigularidad sa multi-million peso procurement projects sa pagitan ng taong 2010 hanggang 2011.
Liban sa kasong kriminal, guilty rin umano ang mga respondents sa “simple misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.”
Gayundin sa four counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices (Republic Act No. 3019).
Dahil dito iniutos ang Ombudsman ang kanilang suspension ng walang suweldo sa loob ng isang taon.
Kung wala na ang mga ito sa government service, ang suspension ay katumbas ng multa sa sweldo sa loob ng anim na buwan.
Ilan sa tinukoy ng Joint Resolution ng Ombudsman na mula raw January 2010 hanggang October 2011, ang munisipyo ay nagsagawa ng apat na magkakahiwalay na procurement projects para sa pagbili ng mga medisina at medical supplies.
Ang nasabing proyekto ay may total budget na P7,500,000.00.
Pero lumalabas umano sa imbestigasyon na walang bidding documents para sa posting at sa halip ang mga akusado ay nagpalabas lamang daw ng requests sa price quotations para sa mga prospective suppliers.
Wala rin daw nangyaring pre-bid conference at opening of bids na malinaw aniyang paglabag sa implementing rules and regulations ng Government Procurement Reform Act (Republic Act No. 9184).
“These circumstances show that respondents were united under a common design when they willfully deviated from the normal procedures in the conduct of competitive public bidding,†ani Ombudsman Conchita Carpio Morales. “Respondents coldly allowed, not only once, but in four separate occasions, atypical procurement activities to consummate feigned compliance with the rules. Clearly, by their collective conduct, respondents had effectively mocked and vandalized the underlying public policies of R.A. No. 9184.”