-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez matapos na makitaan ng sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Spokesperson Gabriel Chaclag, unang dinala ito sa Ospital ng Muntinlupa subalit dahil sa walang bakanteng kuwarto.

Dahil dito ay ibinalik na lamang ang dating alkalde sa New Bilibid Prison (NBP) hospital.

Dagdag pa nito, nagkaroon ng trangkaso si Sanchez at dumaranas ng hirap na paghinga.

Hinihintay na lamang niya ang resulta ng RT-PCR test para malaman kung positibo nga ba siya sa COVID-19.