BACOLOD CITY – Sumuko nito lamang hapon sa Office of the Vice Governor sa probinsya ng Negros Occidental ang dating Alkalde at dalawang Punong Barangay sa bayan ng Isabela na may warrant of arrest sa kasong murder.
Ang mga sumuko sa opisina ni Vice Governor Jeffrey Ferrer ang kinabibilangan nina former Isabela Mayor Joselito Malabor, Punong Barangay Ammy Locsin ng Barangay Sinocauann at Punong Barangay Arman Corder ng Barangay Maytubig sa nasabing bayan.
Ang mga ito ay binabaan ng kasong murder may kinalaman sa pagpatay kay late Moises Padilla Councilor Jolomar Hilario noong Marso 31, 2019, bago ang 2019 Elections.
Madaming iba pang mga opisyal ang nadawit sa kaso kasama na si incumbent Moises Padilla Mayor Ella Yulo, asawa at ina nito, at iba pang mga Municipal Councilor sa bayan kung saan iba sa mga nadawit ang nakapagpyansa at mayroong hawak sa ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kasama ng tatlo sa pagsuko ang kanilang legal council na si Atty Jomax Ortiz.
Ayun kay Vice Governor Jeffrey Ferrer, tumawag sa Office of the Vice Governor ang mga suspect na gusto na ng mga iyo na sumuko.
Hiling naman ng mga ito na madetain sa NBI kung saan din nakakustodiya ang ibang pang suspect sa krimen.
Bukas naman ang opisina ni Ferrer sa mga kaparehas na sitwasyon at ipinagpapasalamat nito na may tiwala sa kanyang opisina ng mga suspect.
Pahayag nito na handa ang kanyang opisina sa mga kailangan ng suporta, kailangan ng tulong at gayun din ang pagfacilitate sa mga kaparehas na sitwasyon.