-- Advertisements --

Arestado ang dating alkalde ng Arayat, Pampanga at incumbent Barangay Chairman kasama ang tatlo pang ibang kasamahan sa isinagawang law enforcement operations ng pinagsanib na pwersa ng Pampanga CIDG, PNP SAF at Arayat PNP kahapon February 15,2017 sa may Alonzo Subdivision, Barangay Cacutod, Arayat, Pampanga.

Sa report na isinumite ni PSSupt. Edwin Quilates, 3RCIDG Regional Chief kay PNP CIDG Chief PDir. Roel Obusan na bago pa man isinilbi ang search warrant sa target na subject na nakilalang si Luis Espinno dating alkalde ng Arayat Municipal Mayor tumangging buksan ang gate ng kaniyang bahay at pinatay pa ang mga ilaw sa kaniyang compound at saka nagpaputok sa mga pulis na ikinasugat ni PO2 Robert Rob Fernandez at SPO1 Joy Venturillo.

Umigting ang isang oras na labanan sa pagitan ng mga pulis at ng dating alkalde kasama ang kaniyang mga private armed groups.

Nakilala ng PNP ang mga nakalabang PAGs na si Rosendo Dizon incumbent Barangay Chairman ng Barangay Cacutod, Cesar Peralta, Romy Mallari at Rosauro Dillera.

Sa isinagawang search operations ng mga raiding team narekober ang tatlong granada, dalawang rifle grenades, isang caliber 5.56, 3 caliber 45 pistols, caliber 9MM pistol mga magazines ng iba’t ibang calibre ng armas, at 19 na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P450,000 na mga drug paraphernalia.

Kasalukuyang ginagamot na sa hospital ang dalawang sugatang pulis.

Kinumpirma ni Quilates na si Espino ang lider ng grupo habang si Dizon at ang tatlo pang iba ay mga miyembro ng “Espino Criminal Gang” na sangkot sa mga robbery hold-up, mga gun for hire, gun running at illegal drug trade na nago-ooperate sa probinsiya ng Pampanga.

Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), RA 9516 (Illegal Possession of Explosives), dalawang counts ng Frustrated Murder at Direct Assault ang isinampa laban apat na naarestong indibibwal.