Ibinahagi ni ex-Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang kaniyang naging mapait na karanasan matapos mapabilang sa drug list ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na sa kalauan ay naging hit list.
Naging emosyunal si Mabilog at hindi mapigilan na lumuha sa hearing.
Sa affidavit ni Mabilog, kaniyang mariing pinasinungalingan na siya ay sangkot sa illegal drug operations, gayung siya ay may mga natanggap na parangal, hindi lamang sa local maging international level kaugnay sa pinalakas na anti-drug campaign.
Taong 2016 nang mapabilang sa PRRD drug list si Mabilog.
Taong 2017 ng umalis si Mabilog sa Iloilo para dumalo sa isang engagement sa Japan at dito ay hindi na siya bumalik sa bansa at dumiretso ito sa US at humingi ng political asylum.
Tumagal ng 15 months ang application sa asylum sa US dahil nag-imbestiga pa ang Amerika hinggil sa kaso niya sa iligal na droga.
Nagdesisyon si Mabilog na humarap sa Quad Com para ang kaniyang naransan na paghihirap persecution at trauma na hindi na maranasan ng iba pa.
Panawagan ni Mabilog na manaig sana ang hustisya at magkaroon ng reporma sa sistema ng bansa, particular sa pamamalakad ng law enforcement agencies.
Umaasa ito na mananaig ang katotohanan at hindi ang pamumulitika o personal interest.
Sa interpelasyon ni Rep. Johnny Pimentel kay Mabilog, tinanong nito ang mga circumstances ng kaniyang pagkakabilang sa drug list gayong aktibo siyang nangunguna sa kampaniya laban sa iligal na droga.
Ipinakita din sa isang video clip ni Mabilog ang naging pahayag ni dating Pangulong Duterte na siya ay isusunod na papatayin.
Sa naging konklusyon sa interpelasyin ni Pimentel na si Mabilog ay biktima ng false accusations.
Tinanong naman ni Rep. Stephen “Caraps” Paduano ang PDEA kung kabilang ba sa kanilang drug list si Mabilog.
Sagot ng PDEA ay hindi, subalit may natanggap silang listahan mula sa Malacanang.