-- Advertisements --

Ibinahagi ni ex-Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog ang kaniyang nagging mapait na karanasan matapos mapabilang sa PRRD Drug list na sa kalauan ay naging hit list.

Naging emusyunal si Mabilog at hindi mapigilan na lumuha habang ikinukwento ang kaniyang karanasan a mapabilang sa drug list.

Sa affidavit ni Mabilog, kaniyang mariing pinasinungalingan na siya ay sangkot sa illegal drug operations gayung siya ay may mga natanggap na parangal hindi lamang sa local maging internasyunal kaugnay a pinalakas na drug campaign.
Taong 2016 na mapabilang sa PRRD drug list si Mabilog.

Taong 2017 ng umalis si Mabilog sa Iloilo para dumalo sa isang engagement sa Japan at dito hindi na siya bumalik sa bansa kundi dumiretso ito sa US at humingi political asylum.

Tumagal ng 15 months ang application sa asylum sa US dahil nag imbestiga pa ng amerika hinggil sa kaso niya sa iligal na droga.

Nagdesisyon si Mabilog na humarap sa quad com para ang kaniyang naransan a paghihirap na durug durog, persekusyon at trauma ay hindi na maranasan ng iba pa.

Panawagan ni Mabilog na manaig ang hustisya at magkaroon ng reporma sa Sistema ng bansa particular sa pamamalakad ng law enforcement agencies.

Umaasa ito na mananaig ang katotohanan at hindi ang pamumulitika o personal na interes.

Sa interpelasyon ni Rep. Johnny Pimentel kay Mabilog tinanong nito ang mga circumtances ng kaniyang pagkakabilang sa drug list gayong aktibo siyang nangunguna sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ipinakita din sa isang video clip ni mabilog ang nagging pahayag ni dating Pang. Rodrigo Duterte na siya ay isusunod na patayin.

Sa naging konklusyon sa interpelasyin ni Rep.Pimentel na si Mabilog biktima ng false accusations.

Tinanong naman ni Rep. Stephen Caraps Paduano ang PDEA kung kabilang ba sa kanilang drug list si Mabilog.

Sagot ng PDEA hindi subalit may natanggap silang listahan mula sa Malakanyang.