LAOAG CITY – Nanatili pa rin sa ospital sa Camp Crame sa Quezon City ang dating alkalde sa bayan ng Dingras na tumakbong kongresista sa second district sa lalawigan ng Ilocos Norte na si Marynette Gamboa matapos mahuli dahil sa kasong murder.
Ito ay makaraang tumaas umano ang kanyang blood pressure habang isinisilbi ang warrant of arrest na unang inilabas ni Judge Philip Salvador ng Regional Trial Court Branch 17 sa lungsod ng Batac.
Una rito, sa pamamagitan ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) at Quezon City Police Office ay matagumpay na nahuli si Gamboa.
Ngunit ayon kay Atty. Juanito Antonio, legal counsel ni Gamboa, hindi nila matanggap na may warrant of arrest laban sa dating opisyal.
Existing pa raw kasi ang order ni Judge Conrado Ragucos, na dating humawak sa kaso.
Iginiit nito na walang matibay na ebidensya ang prosekusyon at magsasampa sila ng motion for bail.
Binigyan naman ng prosecution office ng 10 araw ang kampo ni Gamboa para sumagot sa naturang akusasyon.