-- Advertisements --

NAGA CITY – Kinumpirma ng asawa ni dating Naga City Mayor John Bongat na kasalukuyang naka-confine ang dating alkalde sa Bicol Medical Center matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga sa asawa ng dating opisyal na si Farah Bongat sinabi nito na una nang nakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19 ang kanyang mister ngunit binalewala muna ito ng dating alkalde.

Ayon kay Farah, nang dinala na ito sa BMC, dito na nakumpirma na positibo ito sa naturang nakamamatay na sakit.

Nagpapasalamat rin ang dating first lady na nag negatibo sa naturang virus ang kaniyang dalawang anak.

Sa ngayon, kasalukuyan itong naka-house lockdown kasama ang kaniyang kasambahay.

Habang napag-alaman na una na umanong nagkaroon ng lagnat ang kanilang kasambahay.