-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakakulong na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City si dating Janiuay, Iloilo Mayor Frankie Locsin.

Si Locsin ay hinatulan ng 10 taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PLtCol. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na matapos nag-hospital arrest ang alkalde, agad na itong dinala sa Bilibid.

Ang kaso ni Locsin ay nag-ugat sa dahil sa umano’y maanomaliyang pagbili ng P15-million ng gamot noong siya pa ang alkalde ng Janiuay, Iloilo.