-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tahasang inihayag ni Sen. Bong Go na galit na galit si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Go, ayaw ng Pangulo na makalaya mula sa bilangguan si Sanchez matapos ang report na isa umano ang dating alkalde sa mga posibleng makalaya.

Maalala na marami ang kumontra sa naturang report dahil hindi umano pasok si Sanchez sa Republic Act 10592 matapos ang nangyari kay Eileen Sarmienta noong 1993.

Sinabi ni Go na sinabihan niya si Sanchez na huwang ng mangarap na makalaya dahil dapat na magdusa sa kanyang ginawang krimen.

Dagdag nito na mas mainam na manatili na lamang sa loob ng kulungan si Sanchez para hindi umikli ang buhay.