-- Advertisements --
iKON
iKON/ IG post

Nakatakdang ipatawag ng mga kapulisan ng South Korea ang dating lider ng K-pop band na iKON dahil sa alegasyon ng drug abuse.

Ayon sa Gyeonggi Nambu Provincial Police Agency, na iimbestigahan nila si Kim Han-Bin kasama ang dating music label chief ng grupo na si Yang Hyun-suk.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan ay dahil sa paghithit nito ni Kim ng marijuana noon pang 2016.

Matapos ang paglabas ng nasabing imbestigasyon ay nagbitiwa na agad ang nasabing lider ng grupo.