-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng 12 taon at anim na buwan ang dating police sa Minnesota dahil sa pamamaril sa isang babae.
Si Mohamed Noor ay unang kinasuhan ng murder dahil sa ginawa nitong pamamaril sa biktimang si Justine Ruszczyk Damond noong Hulyo 2017.
Nangyari ang insidente ng tumakbo papalapit si Damond para i-report kay Noor ang posibleng kaso ng panggagahasa subalit ito ay kaniyang nabaril.
Sa korte ay nandoon ang kaniyang ama na si J ohn Ruszczyk na tinawag ang pamamaril bilang “obscene act of an agent of the state”.
Si Noor ay siyang kauna-unahang Minnesota police officer na natuklasang guilty sa pagpatay habang naka-duty.
Matapos ang nasabing pagbaba ng hatol ay humingi ng kapatawaran ang 33-anyos na dating pulis dahil sa ginawa nito.