-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakaburol na ang cremated na mga labi ng former mayor na si late Rodolfo Buray sa bayan ng Gitagum,Misamis Oriental.

Ito ay matapos hindi kinaya sa katawan ng biktima ang dumapo na impeksyon ng COVID-19 dahilan na dinala at nanatili ng ilang araw sa pribadong pagamutan ng Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni incumbent Gitagum Mayor Emmanuel Mugot na labis ang kanilang kalungkutan sa sinapit ng dati nilang alkalde na nakapagsilbi ng tatlong termino o siyam na taon sa kanilang mga kababayan sa lugar.

Sinabi ni Mugot na maging ang maybahay ni Buray na katulad rin nito na senior citizen na ay nahawaan ng bayrus subalit nakalagpas na at kasalukuyang naka-isolate bago tuluyang mabalik sa kanilang pamilya.

Magugunitang dating naninigarilyo ang yumaong dating opisyal kaya nagkaroon ito ng asmathic health concern bago dinapuan ng bayrus.

Namatay ang dating alkalde sa edad 76.