-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan para sumailalim sa operasyon sa puso ang dating film producer na si Harvey Weinstein.

Kinumpirma ito ng kaniyang tagapagsalita na si Juda Engelmayer at prison consultant Craig Rothfeld.

Dagdag pa nila na noon pa man ay dumaranas na siya ng sakit na kailangan ng gamutan sa Bellevue Hospital sa New York.

Ang 72-anyos na si Weinstein ay nahatulang makulong ng 23 taon noong 2020 dahil sa first-degree criminal sexual act at third degree rape.

Ang kaniyang conviction ay nabaligtad noong Abril dahil sa apila ng kaniyang abogado.

Nananatili ito sa kulungan sa New York at umapela ito sa ibang conviction sa Los Angeles noong 2022 kung saan napatunayang guilty ito sa korte dahil sa tatlong sexual assault at hinatulang makulong ng 16 na taon.