-- Advertisements --
Manoling Morato
Manoling Morato/ MTRCB FB post

Pumanaw na ang dating chairman ng Movie and TV Review Classification Board (MTRCB) at dating board of director ng Philippines Charity Sweepstakes Office (PCSO) Manoling Morato sa edad 87.

Ayon sa pamilya nito na dinapuan ng COVID-19 at namatay ito sa isang pagamutan sa Quezon City.

Hindi akalain ng mga kaanak na mabilis ang paghina ng kalusugan ni Manoling, apat na araw noong ito ay dinala sa pagamutan.

Kung maalala tumakbo ito sa pagka-senador at pagkapangulo laban kay dating Pangulong Joseph Estrada noong dekada ’90.

Nagpatuloy ang kaniyang career sa pagiging kolumnista at talk show host ng “Dial M” kasama si Maggie dela Riva.

Samantala, inaayos pa sa kasalukuyan ng mga kaanak nito ang detalye ng kaniyang burol.