-- Advertisements --

Babalik na rin sa Game 5 bukas ng Houston Rockets ang dating MVP na si Russell Westbrook.

Inabot din ng apat na games sa NBA bubble sa Disney World sa Florida na hindi nakalaro si Westbrook dahil sa tinatawag na quad injury.

Kinumpirma ni coach Mike D’Antoni na sumali na rin sa five-on-five scrimmage ang isa sa itinuturing nilang “offensive firepower.”

Kung maalala nagsisilbing backup ni James Harden si Russell lalo na kung ito ay nasa bench para magpahinga.

Makakaharap ng Houston sa muling pagpapatuloy ng NBA first round playoffs bukas ang Thunder na pareho silang tig-dalawang panalo.

Samantala nilinaw naman ni Westbrook na hindi na sana siya tutungo ng Florida kung hindi nagkasundo ang players union ukol sa mga issue na may kinalaman sa “social justice.”