-- Advertisements --
Inilipat sa house arrest si dating Myanmar leader at Nobel laureate Aung San Suu Kyi.
Ayon kay junta spokesperson Maj. Gen. Zaw Min Tun, ito ay dahil sa nararanasang labis na mainit na panahon at ayaw nilang makaranas ng heatstroke ang dating lider habang ito ay nasa kulungan.
Hindi naman malinaw kung saang bahay nailipat si Suu Kyi mula sa kaniyang kulungan.
Ang 78-anyos na si Suu Kyi ay ikinulong matapos na patalsakin siya sa pamamagitan ng kudeta ng mga military noong 2021.
Nahaharap ito ng 27-taon na pagkakakulong dahil umano sa treason at bribery sa paglabag sa telecommunications law.