-- Advertisements --

Tinanggal na ng Chinese Basketball Association si dating NBA guard na si Ty Lawson.

Ayon sa koponan nitong Fujian Sturgeons, hindi nila nagustuhan sa komento na naipost nito sa social media.

Tinutukoy dito ang negatibong komento nito sa paglabag ng koponan nito sa social responsibilities at core values policy.

Pinabulaanan naman ni Lawson ang insidente at masyado lamang aniya ginagatungan ng marami ang komento.

Naging 18th overall pick noong 2009 NBA draft ang 32-anyos na si Lawson ng Minnesota Timberwolves bago lumipat sa Denver Nuggets.