-- Advertisements --

Pasok na sa Paris Olympics ang si dating NBA player na si Chase Budinger.

Kabilang siya ngayong sa US volleyball team na sasabak sa Olympics.

Ang 6-foot-7 na si Budinger ay kasama ang partner nitong si Miles Evans na nakapag-qualify sa US men’s team.

Ang 36-anyos na Southern California native ay lumaki sa paglalaro ng basketball at volleyball.

Naglaro ito sa La Costa Canyon High School sa Encintas, California .

Matapos ang tagumpay nito sa college basketball na mayroong 17 points, 5.8 rebounds at 2.8 assists average ay napili ito sa 2009 NBA Draft second round.

Naglaro ito sa mga koponan ng Houston Rockets, Minnesota Timberwolves, Indiana Pacers at Phoenix Suns.

Naglaro ito ng isang season sa Europe bago lumipat sa paglalaro sa volleyball.