-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating NBA player na si Oliver Miller sa edad na 54.
Hindi na binanggit pa ng kampo nito ang naging sanhi ng kamatayan ng 6-foot-9 na manlalaro.
Bago naglaro ng siyam na season sa NBA ay naging susi ito sa tagumpay ng Arkansas sa College basketball.
Mayroon ito ng average na 12.2 points, 6.5 rebounds kada laro.
Taong 1992 ng maging Number 22 overall pick ng Phoenix Suns.
Naglaro din ito sa ilang mga koponan gaya sa Detroit Pistons, Toronto Raptors, Dallas Mavericks, Sacramento Kings at Minnesota Timberwolves.
Nagpaabot naman ng mga pakikiramay ang ilang NBA players na nakasama ni Miller na tinawag siyang Big “O”.