-- Advertisements --
Isa ng ganap na Army Rangers ang dating NBA player na si Marshall Plumlee.
Kabilang ang seven footer na dating New York Knicks at Milwaukee Bucks player sa mga nagtapos sa Army Ranger School sa Fort Benning, Georgia.
Naglaro si 2nd Lt. Plumlee sa Duke University bilang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) cadet noong 2015 kung saan nakuha nila ang ikalimang NCAA championship title sa ilalim ni legendary coach Mike Krzyzewski.
Ang dalawang kapatid nitong sina Mason at Miles ay naglalaro na rin sa Duke at sa NBA.