Nanawagan na rin ang NBA sa kanilang hanay para isama sa kanilang panalangin para sa recovery ang isang dating veteran NBA player na nag-aagaw buhay dahil sa COVID-19.
Una rito marami ang nagulat sa inilabas na larawan ni Cedric Ceballos kung saan nasa ICU siya at naka-intubate o oxygen mask habang nasa ika-10 araw na sa ospital.
Si Ceballos na ngayon ay nasa 52-anyos na ay dating naglaro sa Phoenix Suns, Los Angeles Lakers, Dallas Mavericks, Detroit Pistons at Miami Heat.
Gumanda ang career ni Ceballos noong nasa Lakers pa siya sa pagitan ng 1994-1995 season at napasali pa siya sa unang pagkakataon sa All-Star team.
Nagkampeon din siya sa 1992 NBA Slam Dunk Contest at sumali sa “The Amazing Race” kasama ang dating Phoenix Suns All-Star na Shawn Marion.
Si Ceballos ay second cousin ng NBA legend na si Kobe Bryant.
Sa kanyang mensahe habang nasa ICU, nanawagan din siya ng dasal para sa kanyang madaliang paggaling kasabay nang paghingi nang paumanhin sa kanyang mga nasaktan.
“On my 10th day in ICU, COVID-19 is officially kicking my but(t), I am asking ALL family, friends, prayer warriors healers for your prayers and well wish for my recovery. If I have done and anything to you in the past , allow me to publicly apologize. My fight is not done….. Thx,” ani Ceballos sa Twitter message