-- Advertisements --

Nahaharap sa reklamong pananampal si dating NBA player Dennis Rodman.
Base sa rekamo ng 30-anyos na si Jeff Soulouque, nasa isang kasiyahan siya kung saan nandoon din ang dating Chicago Bulls players.

Nagulat na lamang siya ng bigla siyang nilapitan at sinampal ng dalawang beses sa kanang mukha.

Matapos ang insidente ay humingi ng paumanhin si Rodman kung san nag-alok pa ito ng isang hapunan.

Hindi tinanggap ni Soulouque ang peace offering at sa halip at nag-report ito sa kapulisan.

Mariing itinanggi naman ng kampo ni Rodman kung saan ayon sa kaniyang abogadong si Lorne Berkeley ay walang naganap na ganoong insidente,