-- Advertisements --

Makakasama ng basketball team ng Pilipinas sa pagsabak nila sa 32nd Dubai International Basketball Championship si dating NBA guard Nick Young.

Ayon kay Strong Group Realty Philippines coach Charles Tiu na malaking tulong si Young sa koponan para sa torneo na magsisimula sa Enero 27 hanggang Pebrero 5.

Umaasa ito na magtatala ng malaking scoring si Young para sa Philippine team.

Darating sa bansa si Young sa ikalawang linggo ng Enero bago at sabay-sabay na sila magtutungo sa Dubai.

Ang 11-years NBA veteran ay naging 16th overall pick ng Washington Wizards noong 2007 Draft.

Noong nakaraang mga linggo kasi ay nagpahayag na rin si Young kagustuhan na maglaro sa PBA.

Bukod sa Wizards ay naglaro na rin ang 37-anyos na si Young sa ibang koponan gaya ng Los Angeles Clipper, Philadelphi 76ers at Los Angeles Lakers.

Kasama siya ng mag-kampeon ang Golden State Warriors noong 2018.

Huling naglaro ito sa Denver Nuggets kung saan sinubukan rin niyang sumabak sa boxing at nakaharap sa exhibition fighti si social media star Malcolm Minikon noong Setyembre.