-- Advertisements --

Naghain ng guilty plea si dating NBA star Rajon Rondo sa kinakaharap nitong kasong kriminal.

Nahaharap kasi si Rondo ng iligal na pagdadala ng baril sa Indiana.

Ang nasabing paghain nito ng guilty plea ay para maibasura na ang kasong possession of marijuana at possession of paraphernalia.

Bilang bahagi ng kasunduan ay makukulong siya ng 180 araw pero ang kaniyang hatol ay nasuspendi.

Dahil dito ay gugugulin na lamang nito ang oras niya sa probation.

Huling naglaro sa NBA si Rondo noong 2021-2022 season.