Nais ni dating NBA player Metta Sandiford-Artest o nakilala noon bilang Ron Artest at Metta World Peace na makapaglaro sa Gilas Pilipinas ang anak nito.
Bilang ambassador ng East Asia Super League, sinabi ng 42-anyos na si Artes na pangarap niyang mapabilang sa national basketball team ng bansa ang Filipino-American na anak nito na si Jeron Artest.
Sa ngayon aniya ay tumigil pansamantala ito sa paglalaro ng basketball dahil sa abala ito sa computer science development software project niya.
Ang dating NBA player ay napabilang ng magkampeon ang Los Lakers noong 2010 at naging NBA All-Star, All-NBA Third Team member at NBA Defensive Player of the Year noong 2004.
Kasama nitong naging ambassador ng EASl si Fil-Am guard Jalen Green ng Houston Rockets.