Kumpyansa ang Department of Justice na maibabalik na sa Pilipinas si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. mula sa Timor Leste.
Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, ito ay upang harapin ng dating mambabatas ang patong-patong na kasong inihain laban sa kanya na may kinalaman sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sinabi pa ng opisyal na ang mga kinakailangang requirements para ma secure ang victory sa extradition case ay inihain sa loob ng 40-day deadline.
Ang kampo naman ni Teves ay may 30 days na deadline para maghain ng Motion for Reconsideration sa Extradition Request laban sa kanya.
Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay Degamo at sa siyam na iba pang indibidwal noong Marso ng nakalipas na taon.
Tiniyak naman ng DOJ na ang political asylum request ni Teves sa Timor Leste ay hindi makaka apekto sa kanyang extradition case.