-- Advertisements --

Buhos ngayon ang pakikiramay sa pagpanaw ng kilalang running back at Texas Longhorn star na si Cedric Benson nitong Sabado ng gabi (local time).

Ayon sa Austin police, tatawid sana sa intersection ang isang minivan nang sumalpok ito sa isang motorsiklo.

Idineklarang patay ang 36-anyos na si Benson at isang babae sa pinangyarihan ng insidente.

“Our condolences to the friends and family of former Bears running back Cedric Benson, our 4th overall Draft pick in 2005 and member of the 2006 NFC Champions team,” saad ng Chicago Bears sa isang tweet.

Si Benson ang ikasiyam na leading rusher sa kasaysayan ng college football, na mayroong 5,540 yards. (CNN)