Humaharap sa bagong alegasyon ang former Nissan boss na si Carlos Ghosn matapos itong sampahan ng kasong financial misconduct ng Tokyo prosecutors.
Inaresto ng mga otoridad ang 65-anyos na negosyante sa kanyang sariling bahay ngayong araw matapos itong palayain 108 araw ang nakalilipas.
Inilarawan naman ni Ghosn ang pag-aresto sa kanya na isang “marahas” na galaw ng mga kalaban niya sa Nissan na halata umanong pinipilit daw siyang patahimikin at pa-aminin sa isang kasalanan na hindi naman daw niya ginawa.
Ito ay matapos imbestigahan muli ng Tokyo prosecutors si Ghosn matapos nilang makakita ng halos $32m mula sa Nissan funds na hinihinalang inilipat sa isang distributor sa Oman.
Sa kasalukuyan, humaharap si Ghosn sa tatlong charges ng financial misconduct kaugnay sa hindi umano nito pagrereport ng kanyang compensation upang di-umano’y ilipat ito sa kanyang pansariling investments.