-- Advertisements --

Inaprubahan ng Tokyo Court District ang kahilingan ng mga prosecutors na ikulong si former Nissan boss Carlos Ghosn hanggang April 14.

Ito ay upang isailalim umano ang negosyante sa mas marami pang katanungan. Inaasahan na raw ng mga prosecutors na papayagan sila ng korte sa kanilang request.

Ayon kay Junichiro Hironaka, abogado ni Ghosn, handa umano ang kampo ng negosyante na maghain ng apela laban sa mga prosecutors.

Ito na ang ika-apat na beses na inaresto si Ghosn, 108 araw matapos siyang palayin.

Muling inaresto sa ika-apat na pagkakataon si Ghosn sa kanyang bahay, 108 araw matapos siyang palayain. Ito ay kaugnay ng alegasyong paggamit umano ni Ghosn sa pera ng Nissan para sa kanyang pansariling kapakanan.