-- Advertisements --

Nakalaya na ngayong araw ang tinaguriang auto-industry giant at Nissan big boss na si Carlos Ghosn matapos nitong  mag-pyansa ng 1 billion yen ($9 million).

Ito ay kaugnay ng kanyang pagkakakulong ng halos tatlong buwan sa Tokyo.

Kung matatandaan, naghain ang Tokyo prosecutors ng appeal upang hindi makapagpiyansa si Ghosn ngunit hindi ito tinanggap ng korte.

Ngunit sa kabila nito ay haharap pa rin daw siya sa pagdinig dahil sa hindi nito pagsaad ng kanyang kinita noong mga nakaraang taon at pag-abuso sa posisyon.

Ikinagulat naman ng international car industry ang pagkakakulong ni Ghosn na nagresulta ng tensyon sa pagitan ng Nissan at Renault.

Samantala, dahil dito ay naging tampulan naman ng kuwestyon ang criminal justice system sa bansang Japan.