Ginulantang ng Tokyo court ang mga sumusubaybay sa kaso matapos magtakda na ng halaga para sa piyansa ng kontrobersyal na tinaguriang auto-industry giant at Nissan big boss na si Carlos Ghosn.
Una nang kinasuhan si Ghosn sa kasonog financial misconduct pero pinayagan itong makapagpiyansa ng one billion yen o katumbas ng P500-milyon.
Kung maaalala, sinibak si Ghosn ng Nissan at Mitsubishi bilang chairman, at posibleng makalaya ito ngayong araw.
Binasura naman ng korte ang apela ng mga Tokyo prosecutors kontra sa pagpapahintulot kay Ghosn na makapaglagak ng piyansa.
Sa pahayag naman ni Ghosn, nagpapasalamat ito sa kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi siya tinallikuran sa kabila ng matinding pagsubok sa kanyang buhay.
“I am innocent and totally committed to vigorously defending myself in a fair trial against these meritless and unsubstantiated accusations,” ani Ghosn. (BBC)