BUTUAN CITY – Hindi na pinalampas pa ng mga otoridad ang dating rebeldeng New People’s Army matapos itong manlaban nang isisilbi sana sa kanya ang dalawang mga warrants of arrest kugn kaya’t binaril ito resulta ng kanyang kamatayan.
Nakilala ang suspek na si Manuel Maganti Gilo, 58-anyos, may asawa, temporaryong nakatira sa may J Rosales St. Brgy. San Ignacio nitong lungsod at dating finance officer ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PMajor Rennel Serrano – tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 3, nahaharap ang suspek sa kasong robbery at robbery with homicide.
Pasado alas-onse kaninang umaga nang isi-serve na sana ang arrest warrant ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Caraga, pulilsya nitong lungsod at mga sundalo, ay bigla itong nanlaban kung kaya’t binaril din resulta ng kanyang agarang kamatayan.
Napag-alamang isa ang namatay sa mga dumukot-patay kay late Loreto, Agusan del Sur Mayor Dario Otaza at anak nitong si Daryl maliban pa sa iilang malalaking kreming naganap sa mga lalawigan ng Agusan del Norte at Sur .