Posibleng kasuhan umano ng gobyerno si dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinauubaya na nila kay Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra ang pagtukoy kung ano ang dapat isampang kaso laban kay Cardema.
Ayon kay Sec. Panelo, nakarating na sa Malacañang na nagtrabaho pa rin si Cardema sa NYC kahit pa maituturing na siyang resigned sa pwesto.
Magugunitang Mayo 12 siya naghain sa Commission on Elections (COMELEC) ng petition for substitution para maging partylist nominee ng Duterte Youth.
Inihayag ni Sec. Panelo na sa panahong ito dapat considered resigned na si Cardema kahit hindi naman siya nagpaalam ng pormal sa Malacañang.
“We refer the case of cardema to the DOJ since we have received reports that despite his filing of certificate of substitution, he presided a meeting subsequent to that certification,†ani Sec. Panelo.
Kasama rin daw sa mga pinaiimbestigahan ang alegasyong ginamit niya ang resources ng NYC para ikampanya ang Duterte Youth partylist.