Binuweltahan ng Makabayan bloc sa Kamara ang pagiging makapal na mukha raw ni dating National Youth Commissin (NYC) chairman Ronald Cardema.
Ito ay matapos na mag-post si Cardema sa kanyang Facebook account bilang incoming congressman sa 18th Congress kahit hindi pa naman napagdedesisyunan ng Commission on Elections ang kanyang substitutioon petition.
Tinawag ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na “ulupong†si Cardema dahil sa pagiging garapal daw nito.
Kailangan na pag-isipan aniya ng mabuti ng poll body ang kanilang magiging desisyon kay Cardema dahil baka magresulta lamang ito sa isang “bad precedent.”
Sa oras kasi na pahintulutan si Cardema na humalili sa kanyang asawa, baka maabuso lamang umano ang party-list system sa bansa.
Sa panig ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, may paglalagyan si Cardema kaya hindi ito dapat maging sunod-sunuran lamang sa administrasyon lalo pa at tatlong taon na lamang ang nalalabi sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.