-- Advertisements --

Labis ang kasabikan ni two-time Olympic boxing gold medalist Claressa Shields sa unang pagsabak niya sa mixed martial arts.

Makakaharap nito sa June 10 Professional Fighters League si Britnney Elkin.

Shields

Hindi na aniya ito makapaghintay at desidido ito na gumawa ng kasaysayan na maging “Greatest Woman of All Time”.

Kung ano ang ipinakita niyang galing sa boxing ay kaniya itong tatapatan sa pagsabak niya sa MMA.

Isa namang jiu-jitsu brown belter ang makakalaban nito na mayroong record na tatlong panalo at anim na talo.

Kasalukuyan kasing nagsasanay ang 26-anyos na American boxer sa Jackson Wink MMA Academy kasama sina dating UFC champion Jon Jones at Holy Holm.