-- Advertisements --

Naging emosyonal ang mga kaanak, kaibigan at maging mga miyembro ng ONE Direction sa libing ng kanilang dating miyembro na si Liam Payne.

Isinagawa ang private service sa Amersham sa Buckinghamshire, north-west ng London.

Ilan sa mga dumalo ay ang mga dating kasamahan nito sa grupo na sina Harry Styles, Louis Tomlinson, Niall Horan at Zayn Malik.

Kasama rin na dumalo ang nobya ni Payne na si Kate Cassidy at dating partner niya na si Cheryl kung saan mayroon silang anak.

Dumating ang kabaong ni Payne sa simbahan lulan ang isang kalesa na puno ng mga bulaklak.

Maraming mga fans naman ang nag-abang sa kalsada para masulyapan sa huling pagkakataon ang kanilang iniidolo.

Magugunitang pumanaw si Payne noong Oktubre 16 kung saan nahulog ito sa ikatlong palapag ng hotel na kaniyang tinitirahan sa Buenos Aires, Argentina.